Madalas ko pa rin ni fi-figure out bakit ako na CS. Given this big built, ma C-CS ako?!!
Aside from trying to accept God's will, I've been brainstorming with my other brain what happened to our great plan, maiiwasan ko ba talaga ang CS kunsakaling:
- hindi nalang ako nag noche buena, media noche at nag attend ng parties and reunions para hindi ka naging 7.2 pounds.
- hindi nalang naging ganun kabait si Tatay, 4 hours bago pumutok yung mahiwagang water bag eh, humiling tayo ng Bigmac meal sa kanya.
- hindi ko nalang kinain yung binili niyang BigMac, Large Fries at Large Coke.
Bakit kaya ako na CS?
Sabi ng ating beautiful OB, pedeng yung bone structure ko daw, malaki nga yung outlet, pero maliit naman yung inlet. Pedeng hindi kumasya yung head mo kaya never ka nag engage.
Kunsabagay, si Ria, na CS din siya, and we almost have the same story sa atin: Pinilit niya din ang vaginal birth, halos isang araw din siyang nag hantay, kaso, paakyat din ang punta ni Baby Davin. Nung nabalitaan ko yung kwento niya, medyo natatanggap ko na... God's will nga.
Sabi din nung mga nurse na nag monitor sa atin buong time bago ka lumabas, sobrang likot mo daw! Every now and then, kumakatok sila, para i-adjust yung naka kabit sa atin, kasi nawala ka nanaman daw.
Sabi naman ni Tatay, habang natutulog kayo nung isang gabi:
"Siguro ganito siya kalikot bago siya lumabas, naramdaman ko na yung sinasabi nung mga nurse na masyadong malikot ang baby niyo."
God's will nga. May mga bagay na kahit gaano mo pinaghandaan, kahit gaano mo pinlano, hindi ito mangyayari kasi hindi ito ang nasa plano ni God para satin. Siguro kung pinilit ko na mag vaginal birth, baka nakulangan ka ng kung ano man, o baka napingot yung gwapo mong mukha. I just have to let go of the thought and move on.
Kunsabagay, tuwing pinag mamasdan kita na parang aquarium lang, I can actually make a long list of what went right with you, instead of having that normal vaginal birth.
Thank you Jesus for giving us a very healthy Baby Joaquin Pablo.
bea, na depress din ako sa kakaisip sa ganyan. ang laki kong babae, bakit di ko nakaya mag natural birth. at eto ang sinabi ni flo - - 'wag mo na isipin un, importante nailabas mo sya ng maayos. at ngayong nasa labas na sya, ang importante e mapalaki mo sya ng mas maayos. di na mahalaga kung sa keps o sa tyan sya lumabas. it doesn't make you less of a mother.' tama nga naman! =)
ReplyDelete